Sa Susunod Na Darating

Kay tagal na kitang hinihintay. Ilang maling pag-ibig pa kaya ang daraanan mo bago mo mahanap ang puso ko? Ilang beses na kitang hiniling sa mga tala sa kalaliman ng gabi. Ilang ulit na dinasal matapos ang mga pag-ibig na hindi rin nagtatagal. Nag-iwan ang mga ito ng lamat at aral na nagturo sa akin kung paano kita pahahalagahan sa pagdating mo. Kaya mahal, handa na ako kung darating ka.

 

Kung darating ka man, bukas-palad kitang tatanggapin. Yayakapin ko ang bawat dilim at kahinaan na meron ka.  Hahalikan ko ang bawat peklat ng mga sugat na iniwan niya. Nila. Oo, nila. Ng mga taong nauna mo ng minahal bago pa tayo nagkakilala. Mahal, kung darating ka man, handa na akong ikulong ka sa mga bisig kong  hindi ka na pakakawalan pa.

 

Sa pagdating mo, magsisimula akong muli. Magmamahal akong muli na para bang hindi ako nasaktan kahit minsan. Na para bang hindi ako iniwan, niloko o pinaglaruan. Tataya ako sayo.  Susugal ako sa atin. Bago tayo dumating dito hindi ako sigurado kung ilang puso na ba ang winasak mo o ilang beses ng nawasak ang puso mo pero susugal pa rin ako. Kung darating ka man, sana wala na sa atin ang naglalaro.  At wala na rin sa atin ang susuko. Sana tayo na yung pangmatagalan. Gusto ko kasi yung wala ng bitawan. Mahal, handa na akong hindi ka bitawan.

2 thoughts on “Sa Susunod Na Darating

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s