Ang Commercial Break sa Love Story ng mga Single

February. Bukod sa ipinanganak ako this month, ang ipinagdiriwang talaga ng mga tao sa panahong ito ay araw ng mga puso. Ang February daw ay Buwan ng Pag-ibig, sabi nga nila. Panahon kung kailan uso na naman ang mga bulaklak, chocolates, dates at kung ano ano pang kaekekan na hindi naiexperience ng mga bokya ang buhay pag-ibig na katulad ko, natin – kung nakakarelate ka (bokya again for years na o bokya since birth man). Pagkatapos kong mabasa ang blog ni Doctor Eamer na pinamagatang  “May Boyfriend Ka Na Ba?”, nabigyan nya din ako ng ideya para maisulat ang blog na ito. Kung paalala iyon sa pagpili ng susunod na kapareha – gamit ang mga tagline ng iba’t ibang kompanya – eto naman ay para sa mga single na hindi pa masyadong napepressure na pumasok sa pakikipagrelasyon at sa mga medyo naiinip na sa pagdating ng kanilang Mr. Right. Basically para sa mga single. period. Inspired ito sa blog nya na ginamitan ng mga taglines. (Hi Doc! Hihi )

Kung single ka pa rin hanggang ngayon, choice mo man yan o hindi, wag ka nang ma-sad, dapat Jollibee [Be Happy] pa rin. Malay mo mala-ChizHeart o VicPauleen pala yung love story mo. Baka nasa elementary pa lang sya at nag aaral bumilang at bumasa. Chill ka lang. Sa ngayon Nissan [Enjoy the Ride] muna sa iyong singleblessedness. Kung galing ka man sa sunud-sunod na failed relationships baka ito na yung kailangan mong Coca-cola [the pause that refreshes] sa buhay-pag ibig mo. Baka kailangan mo pala ng time para mas mapagbuti yung sarili mo. This can be your chance to have (an) Apple Computer [the power to be your best]. Maybe it’s time to set a Bank of America [higher standards] (wow ang bigat! HAHA). Kung dati patay na patay ka na sa poging tambay sa may kanto nyo, baka this time pwede ka ng maglevel up ng konti dun sa masikap at masipag mong kapitbahay kahit kulang ng ilang paligo ang kagwapuhan. Biro lang. But seriously, hindi lang naman para sa hinahanap mong kapareha ang higher standards na sinasabi ko. Pwede mo itong i-apply sa sarili mo. You can strive to achieve your goals to be at your best habang wala pa ulit dumarating.

Ganun din naman kung bokya ka sa mga romantikong ganap since birth. Kahit pa solo flight ka na naman ngayong Valentine’s Day, there is still Quaker Oatmeal [something to smile about]. Hindi naman nakakamatay ang maging single sa araw na yun. Mahigit dalawampung-taon ko na kayang subok yan. Kaya wag kang mag-alala 100% sure ako na safe yan. Maganda rin naman yun kasi tipid sa gastos. Echos lang hehe. Ang buhay naman (ay parang) Energizer Batteries [it keeps going and going and going]. Pasasaan ba’t darating din sayo yung taong inilaan ni God para sayo. Wag ka lang mainip. Hindi ka naman siguro maghihintay hanggang skeleton ka na lang katulad ng mga nakikita mo sa facebook.

Just always keep a positive attitude. Hindi lang naman lovelife ang magdedefine ng happiness mo. Sabi nga sa isang commercial ng Coke dati, “Ipinanganak ka para maging maligaya, ang mga kaibigan at pamilya mo ang magpapakita kung papaano”. see? Sila lang sapat na. Hindi lang din naman Valentine’s day pwedeng magcelebrate ng love eh. Hindi porket wala kang special someone to be romantic with eh gugustuhin mo na lang alisin ang 14 sa kalendaryo. Pwede mong gawing Valentine’s day ang araw-araw kasama ng pamilya, mga kaibigan, o katrabaho. O kaya naman gamitin mo na lang yung Honda [the power of your dreams], para bago ka mag Wells Fargo [the next stage] sa relationship status mo, may naachieve ka na para sa sarili mo.

Wag mong madaliin ang love. Baka ihinahanda ka pa ng panahon para sa isang San Miguel Beer [samahang walang katulad]. Kumbaga sa career, masasabi mong Skyflakes [eto na ang break mo!]. Yung love na hindi mo na kailangang hingin sa kanila dahil masasabi mong “L’oreal [because I’m worth it] to be loved” and that you are Gillette [the best a man can get]. Hintayin mo lang yung relationship na alam mong Metro Bank [you’re in good hands]. Yung pang Volvo [for life]. Yung walang eksenang Purefoods Tender Juicy Hotdogs [he loves me, he loves me not, he loves me, he loves me not, he loves me]. Kasi ang pinaka the best sa paghihintay ay kapag dumating na yung tamang panahon at tamang tao na makakasama mong magcelebrate ng LOVE sa araw-araw ng buong buhay mo.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s