Gusto Kita

Para sa crush ko ang title ng blog na ito. HAHA pero joke lang yun (weh?). Kaninang umaga, may nagtanong sakin. “Paano kung mahulog ka sa maling tao?” Sabi ko naman, ganun naman talaga sa pagmamahal. Hindi mo naman alam kung sya na ba yung tama. Kaya nga LOVE IS A RISK. Kelangan mong sumugal, at susugal ka talaga bago mo makita yung tamang tao para sayo. Pero paano nga ba, kung nahulog ka na? Ano ng dapat mong gawin?

“Ayokong maging snatcher. Gusto kita, pero hindi kita aagawin sa kanya. Pero kung sakaling ayaw na nya sayo at bitawan ka nya, wag kang mag-alala, nandito ako para pulutin kita.”

Pathetic, you may say! Yan ang nasa isip ko simula ng nakilala kita. Tanga man pakinggan, pero ganyan talaga. Nakilala kasi kita sa maling panahon. Nakilala mo ako sa hindi tamang pagkakataon. Sa oras na nagkasalubong tayo sa kanto ng Pag-ibig, hindi na malaya ang puso mo.

Wala akong gagawin para makuha ka. Hihintayin kong tadhana ang magdikta kung ano ang kapalaran nating dalawa. Isa pa, hindi naman ako sigurado kung pareho ba tayo ng nadarama. Baka naman ako lang ang nakaramdam ng atraksyon nung makilala kita. Baka kasi kaibigan lang talaga ang turing mo sakin, di ba? Hindi ako gagawa ng bagay na makakasakit sa iba. Hindi ko rin hihilingin ang kahit anong gulo sa pagitan nyong dalawa para lang magkaroon ng pagkakataong maging akin ka. Alam ko ang mali at hindi ko ito pipiliting maging tama.

Wala na tayong pag-asa. Kung meron man, hindi ngayon, hindi bukas. Gusto kita, teka, mahal na nga yata kita eh… pero hanggang dun na lang yun. Hindi ko hihilingin tuwing 11:11 na sana mahalin mo rin ako. Pwede kitang gustuhin ng hindi mo nalalaman. Pwede kitang mahalin ng walang ibang masasaktan. Mahal kita, pero kung mahal ka nya at kung mahal mo sya, ayos na sakin basta makita kang masaya.

Minsan kapag nagmahal tayo, umaabot tayo sa puntong nakakalimutan na natin ang tama at mali. Madalas pa nga, kahit alam na nating mali, tumutuloy pa rin tayo. Umaasang magiging tama. Kaya maraming taong nakakasakit at nasasaktan, usong uso kasi ang ahasan. Bakit hindi ka umiwas simula pa lang? Bakit hinayaan mong mapalalim ang pagkahulog mo? Bakit hindi mo labanan kung alam mo namang mali o iwasan kung alam mong wala ng patutunguhan?

Tuwing magmamahal tayo, wag nating kalimutan na hindi laging puso lang ang ginagamit. Kaya nga tayo nabiyayaan ng utak eh. Value yourself. Sabi nga ni Papa Jack, “Kapag nagmahal ka, samahan mo ng delikadesa”. Wag kang ma-excite magkalovelife kung makikihati ka lang sa pag-aari ng iba. Hindi ba mas masarap ang mahalin na nag-iisa ka?

Kapag nagmahal tayo, maging makatwiran din tayo sa mararamdaman ng iba dahil mahirap maging totoong masaya kung alam mong nakasakit o may nasasaktan ka. Munting paalala, “Wag mong subukin ang karma, ikaw rin baka magsisi ka.”

^_^

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s