Ikaw At ang Ulan

Ano ba ang meron sa ulan at ibinabalik ka nito sa aking gunita?

Ang mga pilit nililimot na alaala’y bumabalik na kusa. Kasabay ng pagpatak nito ay ang pag-agos ng luhang pilit itinagong makita ng madla. Ang impit na sigaw ng puso’y makikita saking mga mata.

Bakit tila gustung-gusto ng mga puso na sumabay sa pagluha ng langit?

Tila dala ng mga ulap ang mga masasakit na alaala at ibinubuhos ito pabalik. Ang dagundong ng kulog ay parang musika sa pusong puno ng pasakit. Nananangis na sana ikaw ay magbalik. Sana hanggang ngayon ay kasama ka.

Bawat patak ng ulan ay katumbas ng isang sana. At ang kaalamang hindi mo mabibilrain photoang ang patak ng ulan ay kasing-kahulugan na hindi rin mabibilang ang mga sana na palagi kong ipinagdarasal na mabigyang katuparan.

Sana’y naging totoo ka sa nararamdaman mo. Sana ay matutunan kong bitawan ang mga pangako mo. Sana’y malimutan ang bawat masakit na alaalang iniwan mo. O sana isang araw, ikaw naman ang naghihintay sa pagbabalik ko.

Pero, ayoko na. Hahayaan ko na lang pumatak at maubos ang mga luha pagkatapos ay tama na. Hindi maaring tuwing umuulan ay ganito ang sistema. Ayoko na.

Sana ay maanod na ng ulan ang lahat ng iyong alaala para sa susunod na pagpatak nito ay sisiguraduhin kong hindi na sasabay ang aking mga luha. Ipatatangay sa hangin ang bawat hibla ng memorya ng mga panahong ikaw lang ang tanging sinisinta. Ipadadala sa huling agos ang natitirang pag-asang magbabalik ka pa. At sa susunod na pag-ulan, ngiti na ang isasabay ko sa pag-iyak ng langit. Kasabay ng dagundong ng kulog ay malutong kong pagtawa dahil wala na ang pait sa pusong tapos na sa pagtangis.

Ang tanging mababakas sa mata ay ang saya sa bagong pag-ibig. Pag-ibig na mas inilalaan sa sarili higit kanino man. Salamat dahil sa iyong paglayo ay napagtanto ko kung ano ang mas dapat na pinahahalagahan. At hindi na muling papatak ang mga luha ko para sa iyo kasabay ng ulan.

7 thoughts on “Ikaw At ang Ulan

  1. Ang pag-ibig kasi ay parang tubig at tayo ang lupa. Minsan dahil sa sobrang init ng pagmamahalan ng tubig at lupa, mabilis itong naglalaho sa ating piling natin — nag-e-evaporate — at sumasama sa ulap. Kapag mabigat na ang ulap binabalik n’ya sa atin ang tubig na minsang minahal natin.

    #HugotPaMore

    Salamat sa blog mo.

    Like

  2. Sana’y naging totoo ka sa nararamdaman mo. Sana ay matutunan kong bitawan ang mga pangako mo. Sana’y malimutan ang bawat masakit na alaalang iniwan mo. O sana isang araw, ikaw naman ang naghihintay sa pagbabalik ko. – gusto ko ito… 😣

    Like

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s