May Forever

Kung hindi ako nagkakamali, nabanggit ko sa isa mga introductory blogs ko na sumusulat din ako ng tula paminsan-minsan. Kadalasan, tungkol sa pag-ibig. Mas madali kasing makahugot ng inspirasyon. Mas malawak ang natatakbo ng isip ko kapag pag-ibig ang pinag-uusapan. Kaya naman siguro karamihan sa mga nasulat kong tula ay tungkol sa dito, sawing pag-ibig nga lang. Bihira akong makabuo ng tulang may positibong aura – yung hindi puro sakit, lungkot, pag-iwan at pagmamahal na natapos.

Kamakailan lang nang makabuo ako ng isang tula na hinugot ko mula sa pag-iibigan na alam kong nagpatuloy sa lupa at magpapatuloy hanggang sa kabilang buhay. Isang inspirasyon na binuo man ng sarili kong isip, pero kayang patunayan ng puso. At gusto ko itong ibahagi sa iba, bilang inspirasyon.

MAY FOREVER

PicMonkey4

Pinagtagpo ng tadhana sa tamang panahon,

Pinagbuklod ng pag-ibig, at hindi naglaon,

Sariling pamilya ay kanilang binuo,

At nangakong sa pagsubok ay hindi susuko.

Pitong anak sa kanila ay ipinagkaloob.

Gabay at proteksyon ibinigay ng lubos.

Sa magandang ugali, kanilang hinubog,

Maging mabuti sa kapwa at may takot sa Diyos.

Na’ng kanilang mga supling ay nagsilakihan na,

Bumukod at bumuo na rin ng sariling pamilya,

Pinto ng tahanan nila’y nanatiling bukas,

Sa kanilang mga anak kahit ano pa mang oras.

Pagsasamang pinagbigkis ng kanilang pagmamahal,

Modelong maituturing, tapat at dalisay.

Walang sinukuan sa hamon ng buhay,

Magkabigkis, kapit-bisig, pangako hanggang hukay.

Katawan ay humina sa paglipas ng panahon,

At kalusugan nila ay  hindi na tulad noon.

Siyam na taon matapos ang lola’y kunin ng Panginoon,

Na’ng ang lolo’y ilagak namin sa himlayang kahon.

Katawang lupa nila’y muli nang nagkasama,

At sa langit silang dalawa, matiwasay at masaya.

Sa aming mga isip at puso’y mananatili sila,

Kabutihan at pagmamahal babaunin sa alaala.

**PHOTO: (top) Painting ng Wedding picture ng lolo at lola. (bottom) 9 years after, nagkasama ulit sila, physically (lola wrapped in white cloth).

6 thoughts on “May Forever

  1. Karamihan kasi sa atin ay masyadong literal ang interpretasyon sa salitang “forever”. Sa tingin ko mas maiintindihan natin ito kapag puso, pang-unawa at pagpapahalaga ang gagamitin nating paraan para bigyan ang “forever” ng pakahulugan.

    Like

  2. naka-relate ako… sa lola at lolo kong namayapa na rin ako humuihugot ng hope na mayroon talagang wagas na pagmamahalan. you know, sa ngayon it’s not only hard to find true love, but also to stay in a relationship kahit pa may pamilya na.

    it’s my wish, hope, prayer and dream na mahanap din yang ka-forever ko. pero sabi nga ni sarah G forever is not enough sa tunay na nagmamahalan at sabi naman ng side forevermore kung go go go ka sa pagmamahal.

    mabuhay!

    Liked by 1 person

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s